Today: July 5th, 2008

Umamin na si Ate Glo

Umamin na pala si Ate Glo. Kung di ko pa nabasa sa blog ni Ederic di ko pa nalaman. Di kasi ako nakakabasa ng mga pahayagan nitong nakalipas na mga araw. Di ko na rin nakitang me update ang mga taga PCIJ sa pinoyblog. Hindi ba sila lumambot? Di naman siguro. Malalayang mamamahayag ang mga tao dun.

Ang tagal naman yatang magdesisyon ni Ate Glo. Sana pinagisipan na nila ng mabuti ang kasalukuyang hakbang nila. Baka lalong magiging circus na naman ang malakanyang. Maganda to. May aabangan na naman tayong mga komentaryo galing sa mga eksperto sa pulitika. Ano na naman kaya ang makikitang mali sa palasyo? Sana huwag makalimutan na may jueteng gate pa. Mahirap nang maubusan ng magandang topikong pampulitika. Pero huwag ka. Marami pang susunod. Pulitka to eh. At pinoy tayo.

comments

2 Responses to “Umamin na si Ate Glo”

  1. 1
    Ederic Says:

    Salamat sa pagdaan. ;)

  2. 2
    ricelander Says:

    Pag-aming kulang na bitin.
    Just passing by too. Great blog.

Leave a Reply