Wordpress 1.5.1.3 Available
Ulanghiya. Kaka-upgrade ko palang sa 1.5.1.2 at kakatapos ko lang ayusin ang mga di gumaganang plugins eh eto na naman. May bago nang release. Ang bilis naman magtrabaho ng mga tao sa WP. Kung gumagamit kayo ng Wordpress me vulnerability sa xmlrpc.php file nyo kaya upgrade na daw kayo. Kung di nyo gustong mag-upgrade, delete nyo nalang yung xmlrpc.php na file. Para huwag na kayong mahirapan sa pag type sa address bar, dito nalang kayo mag click papuntang WP. Di ko alam kung maga-upgrade ako oh idi-delete ko nalang yung xmlrpc.php. Pagkakaalam ko di naman masyadong importante ang xmlrpc.php. Ito ay nagagamit lang kung gusto mong magpost sa WP blog na hindi gamit ang Admin panel. Kunyari nasa flickr ka at may nakita kang magandang picture at gusto mo i-blog gamit ang flickr papunta sa WP installation mo, pag wala yung xmlrpc.php file, di malalaman ng wp kung anong gagawin nya sa mga natanggap na data. Sana pwede patch nalang sa susunod. Yung me mga diperensya na file lang ang papalitan. Delikado rin kasi pagpalagi kang naga-upgrade. Napapakialaman ang database. Di pa naman naka transaction ang MySQL na siyang backend DB ng WP.
O ano? Upgrade o delete?