Paano ako naliligo
Ang paliligo ay isang simpleng bagay na ginagawa natin araw-araw. Tayo ay Pilipino. Hindi na natin pinag-iisipan yan. Automatic na sa atin tulad ng pagkain at pagtsi-tsismis. Ito ay naisip ko habang ako naliligo. Mamaya ko na ikukwento kung paano ako naliligo. Talakayin muna natin ang mga ugali, pamamaraan, gamit at iba pang may kinalaman sa paliligo.
Simple lang maligo. Pero huwag ka. Maraming paraan pala ang pag-liligo. Meron mga tao na may maraming ritual bago maligo May ibang nagtatala ng minimum or maximum time limit. Meron gusto warm water, meron din gusto cold water. Meron mahilig sa half-bath. Meron mahilig sa wisik-wisik.
Sa pamamaraan ng paliligo ay pagkakaiba. Maraming nagsha-shower. Pero mas maraming naka-tabo. Dahil sa kamahalan ng pagpagawa ng banyong may bathtub, kokonti lang ang mga naliligo sa ganitong paraan araw-araw.
Kahit na sa gamit sa loob ng banyo, magkakaiba rin. Meron gusto liquid soap. May ibang gumagamit ng sabong panlaba. May iba dapat imported and sabon o shampoo. Sa mga environmentalist sa atin, gusto organic soap.
Nakakatuwa rin ang mga ginagawa natin habang tayo ay naliligo. Sa mga mahihilig kumanta, dito nasusubukan ang mga talento. Ewan ko kung may sumasayaw din, pero siguradong may nag a-acting.
Palibhasa ang banyo ang pinaka pribadong lugar sa bahay kaya lahat ng di natin puwedeng gawin sa labas ay nagagawa natin sa banyo. Ang banyo na yata ang may pinakamaraming sekreto na tinatago.
Ang tanong ngayon. Paano ako naliligo? Yan ang di ko masasagot. Ikaw paano ka naliligo?
July 31st, 2005 at 10:00 pm
ako gusto ko warm water pag naliligo hehe. aga kasi ng pasok ko sa office. mangangatog ako nyan. pero kapag mga tipong tanghali na.. oks na yung cold water hehe
August 1st, 2005 at 1:12 pm
paano ba? ako di pa naliligo.
August 1st, 2005 at 1:15 pm
.
August 1st, 2005 at 2:56 pm
pano ako maligo? sapinakalsimpleng paraan. pero matagal.